Posted by: theboyfromsmallville | July 25, 2006

Sino nga ba ang batang taga Smallville?

Sino nga ba ako?
Ewan ko. Basta alam ko, bata pa lang ako, napansin ko na “different” ako sa mga kasing edad ko.
Pansin ko lang naman, di ko pa masyado nahahalata.
Kasi naman, tahimik ako. Bihira ako lumabas ng bahay. Pagkagaling sa school, derecho na ako sa kuwarto ko.
Hindi ako mahilig sa laruan. Di ako mahilig manood ng TV.
Kaya yun, sabi ko sa sarili ko, iba nga siguro ako sa mga bata.
Tapos kaya ko pang tumalon hanggang sa bubong ng bahay namin. Na apat ang floors.
So, diba, iba nga siguro ako?


Nung tumagal, natuklasan ko rin na di naman ako gaanong kakaiba.
Ang mga kaibigan ko, meron din sariling lihim na kakayahan.
Oo nga, bihirang normal yung nauunahan mo ang iskul bus tuwing umaga papuntang iskul na tumatakbo lang.
Pero wala yun kay J, ang isa sa dalawang bespren ko.
Kayang matulog ng nakadilat.
Isusuko ko yung kakaibang lakas ko (minsan, sinapak ko ang alagang kalabaw ng tatay ko, dalawang araw bago nagising ulit—pag di nyo pa nahalatang kakaiba ako, ewan nalang) kapalit nung kakayahan na yun.
Nang dahil sa talent na yun, di na kinailangan ni J tiisin ang mga lecture ni Ms Mercado sa Math. Tinutulugan nalang niya. Pero dilat.
Si Faye naman, ang daming talento. Kayang matulog na nakatayo. Kayang matulog na nakaupo. Kayang matulog ng dalawang sunod na araw. Kayang matulog sa banyo. Kayang matulog ng di humihinga. At kayang matulog kahit gising. Grabe. Bibilib ka dun.
Bale wala yung palipad-lipad ko sa bukid habang naghahabol ng mga ligaw na saranggola (sabi ko naman kakaiba ako eh).
Nakakakalahating araw na si Faye sa school, saka pa lang niya namamalayan na di pa sha gising.
Lunchtime na sha nagigising. Pero nakauniporme na at higit sa lahat, nakasagot ng dalawang tanong ni Ms Adora sa Chemistry.
Na-explain niya ang chemical properties ng oxygen ng hindi niya nalalaman.
Samantalang pag gising yun, ang alam lang niya na oxygen, damit.
Kaya rin ni Faye tumingin sa kaliwa at manood ng TV sa kanan. NG SABAY.
Galing noh?
Ang ibang kabarkada ko, ganun din, may kakaibang kakayahan.
Si Jillian, ngumiti lang, natutunaw na ang nakatingin.
Si Trizza, di nagdadala ng payong kahit may bagyo. Sa payat niya, iniilagan na lang niya ang mga patak ng ulan.
Si Ace, kayang ngumanga ng isa’t kalahating araw. Derecho.
Si Joana, kayang mag-chat at mag-text ng sabay. Habang kumakain.
Si Jhea, kayang manuod ng walumpu’t anim na soap opera ng walang patid.
Si Zel, kayang pumatay ng langaw sa pamamagitan ng pagtaas lamang ng mga braso.
Si Mau, kayang mag-yosi sa tenga.
Si Ik, kayang magpawala ng baha sa loob ng bahay sa loob ng ilang minuto lang.
Si Angela, kayang pumunta mula sa iskul hanggang Cubao ng labing tatlo at kalahating tumbling lang.
Dahil sa kanila, di na ako mashado naiilang kahit napupuna ko na medyo, medyo lang, iba ako sa mga batang katulad ko.
Tinanggap nila akong normal na tao.
Tulad din ng pagtanggap ko sa kanila bilang normal na tao.
Pero ang talagang tumulong sa akin para wag mailang sa pagiging kakaiba ko ay aking nanay.
Minsan, tinanung ko sha, Nay, bakit pakiramdam ko may kaibahan ako ng konti sa ibang bata?
Anak, sabi niya, wag kang mabagabag. Ganun talaga ang pagkagawa ng Diyos sa mga tao.
Iba-iba. Unique, ika nga. Aba’y kung pare-pareho lang tayong lahat, eh di para tayong manyika na nanggaling sa isang factory line lamang. Iisa ang ngiti. Iisa ang damit.
Saka anak, talagang iba ka ka naman eh. Eh ikaw lang ang 55 years old sa barkada mo eh.
Nay naman.
Pero di nga, anak. Lahat tayo ay unique at kakaiba.
May sobrang matalino.
May asintado.
May magaling kumanta.
May magaling magpinta.
May mataas tumalon.
May magaling sumayaw.
May magaling kumanta.
At may nakakatunaw ng bakal sa pamamagitan ng laser rays na nanggagaling sa mata.
Balang araw, anak, magagamit mo rin ang iyung kaibahan sa mabuting paraan. Yun bang makakatulong ka sa mundo.
Balang araw, magsusuot ka ng blue at pula na costume na may S, may cape at labas ang brief at tutulungan mo ang buong mundo.
Balang araw, hihirangin ka bilang superhero.
Si nanay talaga, nagkukunwari pang fortune teller.
Anuman ang naghihintay sa akin balang araw, ang importante, di ko na nararamdaman ngayon na abnoy ako.
Ako ang batang taga Smallville.
Tulad mo, normal akong tao.
Tulad mo, hangad ko lamang gumawa ng mabuti. Para sa sarili ko. Para sa kapwa ko.
Tulad mo, may pangarap din ako.
Pag dating ng araw, wag niyo sana akong husgaan base sa mga kakayahan ko, kundi sa mga ginagawa ko upang ma-overcome ang mga di ko kayang gawin.
Di ba nga, yung ang tunay na sukatan ng tao?
Kung paano niya nababago ang mga bagay na kayang baguhin at paano niya tinatanggap ang mga bagay na di na kayang baguhin.
Ako ang batang taga Smallville. Ikinagagalak kong makilala kayo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: