Posted by: theboyfromsmallville | August 6, 2006

Nasaan ba ang Smallville?

Wala lang.
Baka lang kasi trip niyong pumunta minsan.
Invited kayo.
Di naman mahirap hanapin.

Para bang Neverland.
Second star to the right. Straight on til morning.
Madalas ako dun dati.
Ikaw ba naman, nakakalipad ka kahit walang happy thought o pixie dust.
Eh di puntahan mo na rin.

Mahirap nga lang gawan ng mapa papuntang Smallville.
Di mo ma-i-drowing.

Ang Smallville kasi, gawa binubuo ng mga maliliit na lugar na hiwa-hiwalay.
Na pag pinagsama mo, hindi lang isang town ang makikita mo.
Makikita mo rin ang kasiyahan. Ang kaligayahan.

Alternate reality. Parallel universe.
Dami nilang tawag dun.
Ako, Smallville lang.

Isang eskuwelahan na napapaligiran ng tawiran ng gutom.
Isang gasolinahan na daig pa si Master Showman kung magpuyat.
Isang maliit na bar na nakasuksok sa isang tagong kalye sa Makati.

Minsan, di niyo alam.
Pero nasa Smallville na pala kayo.

Isang mall na lima ang sinehan.
Isang basketball court na minumulto ng ayaw mamatay na alaala ng mga larong naganap na dun.
Isang masikip na flat na kasya lang mga limang tao at libo-libong awit at halakhak.

Minsan, di niyo alam.
Pero nasa Smallville na pala kayo.

Isang bahay sa 164-Kapiligan na tambayan ng malayang kaluluwa.
Isang bahay sa JP Rizal St. sa Mandaue na silungan ng pagod na kaluluwa.
Isang bahay sa Anastacio Neri St. sa Cagayan de Oro na pinagmulan ng kaluluwa.

Minsan, di niyo alam.
Pero nasa Smallville na pala kayo.

Di mo kailangan maging henyo sa heyograpiya para hanapin ang Smallville.
Kung pilit mong hanapin sa pamamagitan ng paghanap ng mga nakapaligid dito, di mo makikita.
Walang hilaga, silangan, timog at kanluran.

Para mahanap ang Smallville, kailangan lang sumama ka sa mga taga-roon.
Madali lang naman kilalanin sila eh.
Pag magkakasama sila, laging masaya.
Yun bang, parang laro lang ang buhay sa kanila.

Pag sumama ka sa kanila, nagiging ganun ka rin.

Makikilala mo sila sa ngiti nila.
Palagay ko, minsan, naka-gimikan mo na rin sila eh.
Kasi nga diba,

Minsan, di niyo alam.
Pero nasa Smallville na pala kayo.

Ang Smallville, di binubuo ng lupa, kalye, burol, bundok, gubat, gusali, dagat, bukal o kung anu-ano pa.
Binubuo ito ng mga taong di pankaraniwan.
Ang mapa ng Smallville ay nakaukit sa mga puso nila.

Napuntahan mo na yun.
Di mo lang namalayan na andun ka na.
Pakinggan mo ang buhay sa kuwentuhan ng mga taga-roon.
Pansinin mo ang kalayaan ng kanilang mga tawa.
Kapag napuna mo ang mga ito, nasa Smallville ka.

Pamilyar, diba?
Kasi nga,

Minsan, di niyo alam.
Pero nasa Smallville na pala kayo.

Advertisements

Responses

  1. sana makabalik ako sa smallville ulit kasama kayo. =)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: