Posted by: theboyfromsmallville | August 16, 2006

One day, isang araw

(Minsan ng na-post sa yahoogroups. Ni rehash lang. Sensha na po)

Isang araw, sa Smallville, may isang bata na nag-isip: Hindi habang buhay, bata ako. Tatanda rin ako.

Pero, ano ba ang purpose ko sa mundong ito?

Bakit ako binigyan ng kapangyarihan na ganito kung di ko rin lang naman magagamit sa ikabubuti ng marami?

Hindi niya makuha ang sagot.

Kaya naisipan niyang pumunta sa pari sa simbahan nila. Hindi relihiyoso ang bata. Pero ang sabi ng barkada niya, magaling daw ang pari. Ang daming alam na sagot tungkol sa mga importanteng katanungan sa buhay.

Isang umaga, kinatok niya sa Father. At tinanong niya: “Father, bakit po ako nandito?”

“Ako ang magtatanong sa iyo iho. Bakit ka nandito?” sabi ng pari.

Napangiti ang bata. Alam niya ang style ng pari. Gusto niya mag-isip ang bata para sa sarili niya.

“Hindi ko alam father. Basta, ang alam ko, nung pinanganak ako, kakaiba ako sa ibang mga bata. May mga nagagawa ako na di nagagawa ng normal na tao.”

“Eh ang tanong pa rin iho, bakit ka nandito?” tanong uli ng pari.

“Hindi ko po alam. Ang tagal ko na iniisip ang tanong na ‘yan. Para saan ba tong kakaibang lakas ko? Bakit nakakalipad ako na simbilis ng fighter jet? Bakit kaya kong tumira ng laser mula sa aking mga mata? Bakit di ako nasasaktan tuwing binabato ako ng kung anu-ano ng mga barkada ko?”

“At higit sa lahat iho, bakit ka nga nandito?” banggit uli ng pari.

Medyo napikon ang bata.

“Hindi ko nga alam father eh! Kaya nga ako nandito. Gusto kong makakuha ng sagot mula sa yo. Nandito ba ako para tumakbong mayor ng Smallville balang araw? Para iligtas ang mundo sa mga masasamang elemento? Para maging hero? Paano kung gusto kong maging ordinaryong tao lang? Pandaraya ba ito sa tadhanang itinakda sa akin?

“Bakit father?!? Bakit??”

“Iho, ang tanong ay bakit ka nandito,” sabi ng pari. “eh kanina ka pa hinihintay ng nanay mo sa palengke.”

Si father talaga. Hmp.

(Kay Rick Reilly po hinalaw ang panghihimutok na ito)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: