Posted by: theboyfromsmallville | August 25, 2006

Minsan, useless maging Superman

Minsan ko ng nasuot yung costume ko. Yung blue, red at may S sa gitna.

Lumipad ako sa kalawakan.

Pinuntahan yung pinaka-love kong baby girl.

Di niya alam na ako at yung barkada niyang mukhang kulugo ay iisa.

Pinuntahan ko sha kasi minsan shang hinabol ng isang bangungot.

Dumating ako upang iligtas sha.

Dumating ako upang patayin ang bangungot.

Nagtagumpay ako.

Mula noon, tuwing nabubuhay ang mga multo ng kanyang nakaraan, may sakit sha o umiiyak mag-isa sa gabi, nakaugalian na niyang hanapin ang superhero na dumarating sa hatinggabi.

Yung kumakatok sa bintana niya, tumatabi sa higaan niya at nagsasabing: “Ayus lang yan. Wag ka ng matakot/malungkot. Sagot kita.”

At ngingiti sha, hihinga ng malalalim at matutulog ng mahimbing.

Pero ang superhero, hindi diyos.
Ang superhero, may hangganan.

Nandun sha.
Nakahiga sa kama.
Tumutulo ang luha.
Isa ang bukambibig.

“Superman.”

Eto ako.
Lumilipad sa kalawakan.
Tumutulo ang luha.
Isa ang bukambibig.

“Hindi puwede.”

Lecheng putanginang bangungot na halimaw na yan.
Pinaligiran ang kuwarto ng baby girl ko ng kryptonite.

(Hikbi)
(Singhot)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: