Posted by: theboyfromsmallville | September 17, 2006

Buti nalang, nandiyan kayo

(Dahil baka hanggang Thursday nalang relevant ito)

Sa buhay natin, kahit nasa Smallville pa, hindi sa lahat ng pagkakataon, masaya tayo.
Minsan, may dumarating na trahedya.
Minsan nama’y may mabigat na problema.
Minsan, di mo mapigilan ang pagtulo ng luha.

Di mo mapigilan maging malungkot.
Sa mga pagkakataong ganito, nakakatuwang isipin na meron tayong nasasandalang mga “buti nalang.”

Buti nalang may strawberry shake sa Pancake House.
Buti nalang may mga sinehan.
Buti nalang may Rizal Memorial Coliseum.
Buti nalang may Eraserheads.
Buti nalang may The Longest Yard sa DVD.
Buti nalang may Everybody Loves Raymond.
Buti nalang may Bossing Vic.
Buti nalang may Bulagaan.
Buti nalang may maruya sa kanto.
Buti nalang may coke light.
Buti nalang may Twisted by Jessica Zafra.
Buti nalang may The Life of Reilly.

Sa panahon ng krisis, personal, pinansyal o trabaho, yang mga bagay na yan ay nagbibigay kasiyahan sa mga handang sumuko na sa panggigipit at kalupitan ng tadhana.

Pero higit sa lahat, sa gitna ng panlulumo,
sa mga bagyong dumaraan,
sa kawalan ng pera at pag-asa,
Buti nalang may isang grupo ng mga tao na nagpapakita ng mga katangiang dapat tularan.
Isang grupo ng tao na nagpapakita kung ano nagagawa ng pusong palaban.
Isang grupo ng tao na nagbibigay inspirasyon sa mga naghahanap nito.

Buti nalang, may Tigers.

GO USTE!!!
GO USTE!!!
GO USTE!!!
GO! GO! GO! GO!

Advertisements

Responses

  1. kawawa naman UP :(

  2. Buti na lang…..

    …di ako mahilig sa Sports.

    hehehe!

  3. good post – filled my coffee break


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: