Posted by: theboyfromsmallville | September 20, 2006

Si Chelsea at ang ensiklopedya ng mga bayaning likha ng isip

Tanghaling tapat sa Smallville.
Nasa school ako, pilit pinapaypay ang mga bumubuong butil ng pawis sa noo ko at ang antok na dahan-dahang nagkakahulma sa utak ko.
Sa tabi ko, nakaupo si Faye. Wala na namang magawa sa buhay kaya pinapalo ang kanyang desk sa indayog ng walang patid na panenermon ng aming titser.
Sa bandang likod ko, nakaupo si Celeena. Tulad ng nakasanayan, mukha na naman siyan estatwa ni Mama Mary. Parang estatwa ang ganda. Parang estatwa sa mala-porselanang kinang ng kanyang buong anyo. Parang estatwa ang bagsak ng buhok. Parang estatwa ang mapayapang ngiti. At higit sa lahat, parang estatwa dahil walang buhay. Walang kibo. Walang salita.
Sa ilang buwan ko siyang nakilala, di ko pa nakikitang gumalaw. Ewan ba kung paano umuuwi at pumapasok.
Para bang nung ginawa ang mga silid-aralan sa eskuwelahan namin, ipinako na siya sa upuan na kanyang kinalalagyan.

Tatakasan na sana ako ng aking katinuan dahil sa init ng biglang may sumigaw: “Kuya!”
Lumingon ako sa likod ko.
Si Chelsea.
Ang batang si Chelsea.
Nakakapagtaka, pero, ewan ba, bakit sa tuwing nakikita ko ang batang si Chelsea eh parang may dalawang kamay na humuhukay sa libingan ng mga pumanaw alaala sa aking isip na tila ba’y naghahanap ng litratong naninilaw na sa gilid dahil sa kalumaan.
May mukha siguro sa lumang litrato?
Mukha ng alaalang hindi ko malagyan ng pangalan?

Mukha siguro ng isang taong minsa’y humingi ng saklolo, pero hindi ko nagawang tulungan.
Ibig bang sabihin nito, nangangailangan ng tulong si Chelsea? Tulong na hindi ko alam kung paano ibigay para maligtas siya sa peligrong hindi ko matukoy?

O ako ba ang nagailangan ng tulong?
Pero paano nga ba darating sa isang batang superhero ang araw na mangangailangan siya ng tulong?
Super hero nga ne.

Palaisipan sa akin yun nung una kong natuklasan ang aking kapangyarihan.
Wala sigurong magtatangkang tumulong sa isang katulad ko dahil may pakiwari sila na ako nga si Superman.
Ang hindi alam ng marami, nasusugatan din ako.
Kaya lang, sa mga lugar na hindi nakikita ng tao.
Sa puso.
Sa kaluluwa.
Humihingi din ako ng saklolo.
Wala lang nakakarinig.

Kaya gumawa ako ng isang ensiklopedya nung bata ako.
Ang ensiklopedya ng mga bayaning nilikha ng isip.
Mga super heroes ko ang laman nun.
Super heroes na balang araw ipapakilala ko sa inyo.

Bigla kong tinignan uli si Chelsea.
At bigla kong naintindihan kung bakit niya nabubuhay ang mga alaalang yumao na.
Nasa mata niya. Nasa ngiti niya.
Mga matang minsa’y nagmakaawang humingi ng tulong. Ngiting minsa’y pumanaw dahil hindi dumating ang tulong na yun.

Bigla kong nakilala ang mukha sa litrato.
At muli, tahimik akong humingi ng pang-unawa.
Kung alam mo lang na nung araw na humingi ka ng tulong, warat ang buong kalamnan ko dahil sa pakikipaglaban sa isang halimaw na muntik ng nagtagumpay na patayin ako, siguro, buhay pa ang ngiting yun.

Binuksan ko ang aking bag.
Nandun ang ensiklopedya.
Kung sakali mang humingi ng tulong ang mga mata ni Chelsea, pakakawalan ko ang mga bayaning lika ng isip at sama-sama naming iaaalok ang aming serbisyo sa kanya.

Minsan, may ngiting naglaho dahil sa kahinaan ko.
Hindi na ito muling mangyayari.
Pangako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: