Posted by: theboyfromsmallville | October 1, 2006

Bagyo sa Smallville

Alam ko naman, noon pa.
Dito rin hahantung ang lahat.
Patagalin mo man ang ngiti, pahabain mo man ang halakhak, sa luha din uuwi ang lahat.

Dati ko pa alam na sa ganito din magtatapos ang lahat.
Pero sabi nga nila: “Knowing doesn’t help make things easier.”

Malapit ng mawalan ng isang residente ang Smallville.
Malapit ng aalis si Faye.

Minsan na akong binangungot ng katotohananang yan.
Nanaginip ako na ine-empake ko yung mga gamit niya.
At habang ginagawa ko yun, sinusulat sa papel ang mga dapat niyang tandaan.
Sa panaginip, binuhat ko yung bag niya at isinakay sa kotseng hahatid sa kanya sa ibayong lugar.
Malayo sa Smallville.
Sa panaginip, lumingon siya at kumaway. Isang huling paalam.

Gising ako ngayon.
Totoo na ang pangyayaring ito.
Aalis na si Faye.
Bilang na ang oras niya sa Smallville.

Malapit na ako mawalan ng baby.

 

Mahirap pigilin ang agos ng buhay.
Lahat ng tao, umaalis. Lumalakbay.
Maski papaano, suwerte nga ako eh.
Baby. Bestfriend.
Naranasan ko lahat yun kay Faye.

Parang kailan lang, pinapakilala niya ako sa barkada niya.
“Daddy ko nga pala. And at the same time my bestfriend.”
Parang kailan lang, binansagan niya akong “super daddy.”
Parang kailan lang, pinagmamalaki niya ang bagong shirt niya sa akin.

 

Parang kailan lang, hinayaan ko ang sarili kong maniwala na walang makakawasak sa ganung klaseng pinagsamahan.

Pero ang tadhana, mapaglaro.
Ginawa niya lang pala akong Super Proxy sa buhay ni Faye.
Pampuno sa mga araw na wala ang kaniyang tunay na ama.
Nagbalik na siya ngayon. Kukunin na niya si Faye.

Sana, alam din niya na kailangan bigyan niya si Faye ng maraming oras para makatulog. Mahilig matulog ang baby ko.

 

At siguraduhin niya na nandiyan siya sa tabi ni Faye pag gumising na ang baby ko. Walang tatalo sa ngiti ni Faye pag bagong gising.

Pag may sakit si Faye, masahiin niya ang likod.
Lagyan ng tubig o kaya low fat fresh milk parati sa tabi ng kama. Kasi kailangan niyang uminom pag nagigising sa gitna ng gabi.
Bawal kay Faye ang balat ng manok.  Mag-stock siya ng tinapay at Panda biscuit kasi minsan ginugutom si Faye sa hatinggabi.

Pag may problema si Faye sa assignment, tulungan niya.
Pag gustong gumimik, ayain niyang manuod ng sine.

Higit sa lahat, ingatan niya si Faye.
Oo. Anak niya yun.
Pero baby ko yun.

Di ko alam kung ano ang sasabihin sa yo pag dumating ang palapit na araw, baby ko.
Goodbye?
Take care?
Labshoo?
Grow up well?
Pag di mo alam ang sagot sa multiple choice na test, piliin mo ang B?

Ganito nalang: Wag ka sanang makalimot.
Mga magdamagang kuwentuhan.
Mga pagtakas para maka-gimik lang.
Mga sineng pinanuod.
Mga madaling araw na kumakain ng tocilog pagkatapos gumawa ng assignment.
Mga quiet moments na wala kang ginawa kungdi magpa-baby.
Ako, di ko malilimutan yun. Ever.

Alam ko, gaganda din katayuan mo sa buhay sa pag-alis mo.
Pero sana, maisip mo na kahit ano pa ang ginhawa at tagumpay na makamit mo sa piling ng papa mo, lahat ng tao umuuwi din pagdating ng araw.

Umuwi ka rin, baby ah?
Gumawa ka rin ng paraan na hanapin ang daang pauwi.
Nandito lang ang Smallville para sa yo.
“Smallville is home.”
Sa Smallville kita palaging hihintayin.

 

Tangna. Ang hirap sulatin ng blog na ito.
Wala na si Milenyo.
Pero sa Smallville, patuloy pa rin ang bagyo.

Pahabol…
Sa What I do when I’m not saving the world sa may bandang kanan ng screen niyo, puwede niyong i-click at pakinggan ang awiting Fourteen, isang kantang tinulungang isulat ni Faye.

Advertisements

Responses

  1. Mali! Pag di mo alam ang sagot sa multiple choice question, dapat “C” ang sagot. C lang lagi ang sagot na nakakachamba.

    awwww. aalis na ang faye na nagpapahiya sakin sa inuman? bueno, paguwi nya pwede ko na siguro sha sabayan. :-)

  2. Oo, pag ‘di alam ang sagot sa multiple choice, letter C ang piliin.

    Pero alamin muna rin n’ya kung right minus wrong ba. Dahil kung right minus wrong, iwanan na lang blangko ang tanong.

    ‘Di ko pa s’ya nakaka-bonding aalis na? Aiiie. Bakit ba kailangang umalis ang mga tao?

    Hay.

    [BIG BIG HUG.]

  3. Lex/Din

    B talaga. I swear.
    Ewan ba, bakit may kailangan pang umalis.
    Haaay.
    The things I’ll miss:

    5 p.m. weekdays and “daddy, tulungan mo ako sa assignment ko.”

    Late night Fridays and “daddy, watch tayo movie bukas.”

    The pretending to be sick and “dad, bili mo ako pizza/funshots/ice cream.”

    And those every-once-in-a-while “sana ako lang ang baby mo forever at sana malaman mo love kita.”‘s

    (hikbi)

  4. ‘Di naman mawawala ang mga ‘yon.
    Magpapahinga lang siguro.

    [BIGBIGBIG HUG]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: