Posted by: theboyfromsmallville | September 14, 2006

Tatluhan sa Smallville

Bale ganito yun.

Nung Huwebes, naisipan naming ni J pumunta sa isang tambayan na sikat na sikat sa Smallville.
Halos kada hapon kasi, napupuno yun ng mga residenteng kagagaling lang ng school.
Pumapatak ang ulan. Ako, nakasandal sa isang upuan, ang mukha nakadikit sa salaming nagsilbing kalasag laban sa mga ga-daliring patak ng ulan na binomba ng kalangitan sa Smallville nung araw na yun.

Si J, nakatunganga. Hindi ko alam kung gising o tulog.
Takang-taka kami. Walang katao-tao sa lumang tambayan maliban sa mala-multong kaluluwa na walang kamalay-malay na nasa Smallville sila.
Biglang dumating si Faye. Wala daw ang tropa. Sinunod ang mungkahi ng ulan na umuwi nalang sila.
Madalas nilang tinataasan ng kilay ang mga mungkahing ganun. Ewan kung bakit nila sinunod ngayon.
Baka natakot sa kapal ng patak at mga panindak ng kulog o sinapian ng antok dahil sa lamig ng hanging kasiping ng ulan.
Nauwi sa titigan ang sana’y masayang kuwentuhan at halakhakan.
Humikab si J. Tumawa si Faye. Ngumiti ako.
Maya-maya nagkuwentuhan din. Nag-asaran. Sa halakhakan din nauwi at tila naki-join ang kalangitan.
Biglang natulog ang kulog, pumirmi ang hangin at tumila ang ulan.
At walang ibang narinig sa lumang tambayan kungdi ang awit ng tatlong nagtatawanan. 

Makalipas ng dalawang araw, Nagkita si Faye at Jhea sa isang kanto at sumama sa akin sa isang bagong mall na itinayo sa Smallville.
Tambay lang. Kain. Inom. Kaway sa mga pamilyar na mukhang di maiugnay sa kahit anong pangalan. Maya-maya, tawanan.
Tawanan.
Tawanan.
Si Jhea, nagpakawala ng kakornihan. Si Faye, halakhak ng halakhak.
Ako, mayabang ang dating.
Kaw ba naman may kasamang dalawang cutie eh.  Saya.
Sana sa susunod, kumpleto ang barkada.
Kung hindi man, okay lang. Alam na namin kung paano buhayin ang kasiyahan.
Maraming kasama o konti lang.

Advertisements

Responses

  1. Anlaki naman ng Smallville mo. hehehe

    Gah! I don’t like the new template/layout. The open skies images suits you better.

  2. ugh… typo…

    open skies image (sans the S)

  3. Hahahaha!
    Okay. Will consult baby sister re template… :-)

  4. ew!

  5. thanks for readin this is a great site anyways! more power guys!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! god speed


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: